Monday, December 31, 2007

Ang Lolo … Bow!


Writing as Gabi (gabimercado.multiply.com)

Si Lolo Pete ay tunay na napakabait

Kahit ako minsan ay super duper kulit.

Mahal na mahal ako ni Lolo, ito ay totoo

Kahit ako ay pilyo at laging paroko-roko.

Buntong hininga niya'y lagi kong ginagaya

Tuloy si Maman at Wowa, tawa na lang nang tawa.

Itong maginoong ‘to na mula pa sa Malolos

Tahimik, simple at tunay na nagmamahal sa Diyos.

Payo niya parati ay “huwag padalos dalos”

Lahat ng mga problema namin kanyang laging tinutubos.

Maraming salamat, Lolo Pete, sa tuloy na patnubay

Idolo kita sa tamang pamumuhay.

Malugod na pagbati sa inyong kaarawan

Nawa’y manahin ko sa ‘yo ang mga bukod tangi mong katangian.


Lolo Pete is Jose R. Tengco, Jr., Gabi's maternal great grandfather. He celebrated his 78th birthday last 29 December 2007.

No comments: